Advertisements
News Sticker

the Mt. Maculot traverse creepy experience

balita ngayon- SA MGA SUSUNOD NA AAKYAT IWASAN PO NATIN PAGUSAPAN ANG MGA SPIRITS OR STORIES BEHIND THAT MOUNTAIN..
SOBRANG GANDA PO NG MACULOT AT ILAN BESES NA PO AKO NAKAAKYAT DITO. 🙂 AT BABALIK AT BALIK PAKO DITO.

 

This creepy experience of a group of mountainers during their hike in Mt.Maculot Traverse,Cuenca Batangas,heres the full story.

 

Mga Ka-Indakers! SHARE & REMINDERS lang po to, happened last sunday October 23, 2016 sa Mt. Maculot Traverse, Cuenca, Batangas.

Marami po kasing nangyareng kababalaghan at nakakatakot during our hike pa-traverse or pababa na..
Ako man hindi naniniwala sa mga ganyan pero totoo to nagtayuan lahat ng balahibo at nakaramdam ng takot.. Eto ay ilan lang sa mga ngyare:

1ST: Sa grotto pababa ng stairs..
“Sa likod po ako nii sir ed ung guide and tatlo na lang kami nung pababa sa grotto, nsa unahan ko si mark (elliot) hindi ko pa alam kung ano station na un then pagtanaw ko dun sa medyo malayo na dadaanan namin bigla nlng may kumaway na bata, na hindi kaway na nagbbye kundi kaway na pinapalapit kami, bgla ko sinabihan si mark na “bro tawag ka yta ni marj” hindi naman ako pinansin ni mark, tapos hinayaan ko nlng pero nug paglagpas namin dun sa station na un ska ko cnabi kay sir ed na may nakita akong kumaway, sbi pa nya uu nga narinig ko na cnbihan mo ksama mo, wag ko nlng dw pansinin dahil may nawalang batang itim dw dun” -Jojo

2ND: Sa grotto ulit habang nagpapahinga kami.. Bigla pong nagradyo sakin ang tail group or grupo nasa hulihan (Si Marj ang Leader ng Tail Group nasakanya ang radio/walkietalkie)
Marj: Bert…
Me: Yes Marj.. San kayo?
Marj: Dito sa parang may mga kubo, pahinga muna, kayo?
Me: Grotto, pahinga din..
Marj.. Copy..
Me: Ay, Pagdating nyo pala dito sa grotto. sundan nyo lang yung stairs pababa ha. drecho lang yun.. Ay! my guide nga pala kyong ksama.Sige, Alam nya yun.
Marj: Copy!

Yan lamang po ang usapan nmin.. Narinig din ng iba naming mga kasama. Pero nung nagkkwentohan na kami sa tindahan sa jumpoff about sa climb at mga kababalaghan.. Eto daw usapan nmin.

Me: Ay, Pagdating nyo pala dito sa grotto. sundan nyo lang yung stairs pababa ha. drecho lang yun.. Ay! my guide nga pala kyo ksama. Alam nya yun.
Marj: Copy!
Me: MARJ, PAGNAKITA NYO MGA BATA DITO WAG NYONG PANSININ…
Marj: Copy..

Promise, hindi ko talaga binanggit yan.. Until now kinikilabutan ako pagnaalala kong maygumaya sa boses ko. Pero thanks at ginuide kami nung kung sino man yung nagsalita sa radyo.

3RD: Sila Jen at Cha, Pababa na ng stairs galing grotto.. May naririnig sila mga boses ng babaeng nagkkwentohan.. Panay tingin sila sa paligid wala nman silang nakitang tao.
“Kala ko lang may nakatambay na nagtitinda ng buko or what pero wala naman pwestuhan don kasi bangin at magubat sa right side.” -Jen
At pagdating nilang road may nakita silang nakaitim na lalakeng blurd ang mukha kita lang ang bibig nakangiti lang at kinakawayan sila na prang pinapalapit. Kala ni jen ay guide kinawayan nya din.. Then, bigla nyang naalala nakaorange pala ang mga guides..

4TH: Kung naalala nyo si maricris yung namatay dun, mountaineer na nahulog sa rockies. Naksabay po sya ni Marj pababa ng grotto. Pano nya nalaman.. Sobrang paranoid at curious nya sa mga nangyare.
Nagsearch sa ng mga namatay sa maculot at nakita nya mukha ni maricris at gulat na gulat sya na nakasabay nya daw yun at naggood afternoon pa nga sya. Yung suot same pa nung nasa pic..

LASTLY: Pakititigan nalang po ng mga pictures na yan. Kayo na po bahala humusga. lahat yan ay kuha nung climb namin last oct 23, 2016

Marami pang nangyare pa pero yang mga yan ang nagpatayo tlga sobra ng balahibo ko..

Hindi ko din alam bakit maraming nagparamdam samin nung araw na yan, dahil ba nagbibiruan kami sa summit at pinagkkwentohan nmin paulit2 yung 3 mountaineers na namatay dun..Pero laking pasasalamat na din at walang naligaw o nangyre saming masama..Dahil narin siguro nag-Pray din kami before the climb para magpasalamat at humingi ng guidance..
Sabi nga nila pagmalapit na talaga undas maraming nagpaparamdam. Diko din nman planado na mag event sa maculot this oct eh. Nextyear pa tlga. Sinudggest lang din sakin para daw sa tune up climb pulag akiki namin.

SA MGA SUSUNOD NA AAKYAT IWASAN PO NATIN PAGUSAPAN ANG MGA SPIRITS OR STORIES BEHIND THAT MOUNTAIN..
SOBRANG GANDA PO NG MACULOT AT ILAN BESES NA PO AKO NAKAAKYAT DITO. 🙂 AT BABALIK AT BALIK PAKO DITO.

 

source: INDAK OUTDOOR

Advertisements

1 Comment on the Mt. Maculot traverse creepy experience

  1. Pa follow back po.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: