Advertisements
News Sticker

Babaeng pulis na nadestino sa zamboanga patay sa pamamaril

Balita ngayon –  Patuloy na iniimbestigahan ang nangyaring insidente ng pamamaril sa national highway ng Sitio Mialim,Barangay Vitali sa Zamboanga city na agad ikinamatay ng isang pulis na babae.

Ang nasabing biktima ay kinilalang si PO1 Peggy Lynne Vargas Villamin, 40 taong gulang at isa sa mga 15 pulis na NCRPO (National Capital Region Police Officer) na naidestino sa police regional office-9.

Siya ay residente ng Brgy.Marilao,Bulacan city at naka assign sa Zamboanga city police station-1,ayon sa report ng mga kapwa nya police si PO1 Vargas ay hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan dahil sa malubhang tama ng bala na tinamo sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sinabi ng mga nakasaksi na nakatayo lamang si PO1 Vargas sa harap ng isang karinderya habang nakikipag kwentuhan sa dalawang kapwa nya pulis nang bigla nalamang sila tambangan ng riding in tandem.

Narekober ng mga pulis ang 9 na bala o basyo ng Kalibre 45 na nagkalat sa pinangyarihan ng krimen,napag alaman din ng aming source na si PO1 vargas pala ay isa rin sa 13 mga tauhan ng NCRPO na nung nakaraang taon ay pinarangalan ng “medalya ng kagalingan” ng Department of Interior and local government itoy dahil sa matagumpay nila umano na operation kontra illigal na droga.

Nabatid na sa naturang Anti-drug opetaion ay nasabat nila ang 10 kilo ng shabu at 5 chinese national,hindi isinasantabi ang posibleng kadahilanan ay ang pagiging pulis nito at isa din sa titingnan ang personal na buhay ni PO1 Vargas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: