News Sticker

PATAY ang isang Businessman sa ambush sa Cebu

Balita Ngayon | Ang biktima ay kinilalang si Felipe Angan-angan 67-taong-gulang, na nag tamo ng tama sa leeg, dibdiib, at iba pang parte ng katawan gamit ang 9mm pistol base sa nakuhang basyo ng bala sa crime scene.

PATAY sa ambush ang isang may ari ng mga boarding house at apartmenrt sa Middle Nivel Hills, Brgy. Apas Cebu City. Dalawang suspect na nakasakay sa kulay dilaw na motor tanghale kahapon (Dec. 14, 2016).felipe-angan-angan-2

Ang biktima ay kinilalang si Felipe Angan-angan 67-taong-gulang, na nag tamo ng tama sa leeg, dibdiib, at iba pang parte ng katawan gamit ang 9mm pistol base sa nakuhang basyo ng bala sa crime scene.

Ang biktima ay maghahatid lang sana sa kanyang apo sa kanyang pinapasukang paaralan.

Ayon kay PO3 Cristobal Geronimo, isa sa mga imbestigador ng Homicide Section sa Cebu City Police Office, na paalis na daw si Angan-angan para ihatid ang kanyang apo sa paaralan. Pero ang dalawang suspect ay naka abang sa kanto, isa sa kanila ay naka-jacket ng itim ang bigla nalang bumaril kay Angan-angan.

Nadala pa sa ospital ang biktima, pero hindi din ito kinaya at binawian ng buhay dahil sa dami ng dugo na nawala sa katawan nito.

Si Melchor isang saksi sa pamamaril, nagsabi na nakita nya ang mukha ng gunman at nakabanda ito lang ito ng panyo habang pinag babaril ang biktima sa loob ng kanyang sasakyan.

Pagkatapos pagbabarilin ng maraming bisis si Angan-angan ay sumakay na ito sa kanilang XRM na motor na may temporary plate.

Ayon kay Melchor pagkatapos barilin ay tumakas ito papuntang Lahug.

“Paatras na siya (Angan-angan), at nandito ako sa gilid. May lumapit agad, nong nakalapit na. May sunod sunod na putok. Pagkatpos ng putok, at yung namaril ay bumaba na” ayun pa kay Melchor.

Habang ang apo ng biktima ay naka dapa habang pinagbabaril ang kanyang lolo sa loob ng kanilang sasakyan.

Ayun pa sa mga residente sa lugar nila ni Angan-angan. 15 min. na naka abang ang mga killer ni Angan-angan.

Hindi pa alam ng mga Kapulisan kong ano ang motibo sa pag paslang kay Angan-angan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: